Una ko pa lang narinig na pumanaw si Tita Cory, sobra na akong nalungkot. Actually, ang humikayat sakin para sumama sa taong bayan para makiramay ay nung mapakinggan ko yung kantang HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO.
Hindi ko alam pero sobrang nakakainspire yung song. Kahit ilang beses kong ulit-ulitin, nandun yung emotion ko.
Isa pa, protocol sa DWIZ. Natuwa naman ako kay Sir Medz na ako yung inassign niya sa Greenhills. Dun nga lang kami sa pila. Kasama ko si Boy Culantan (Audioman ko)..
Grabe! As in, nung kino-cover ko yung pila ng mga tao, kinikilabutan ako. Sa lahat yata ng kinover kong event, ito na yung pinaka fulfillment for me.. the whole time, gusto kong umiyak.. pero, xempre, pinigilan ko. haha..
pero hindi ko na napigil yung luha ko wen Ballsy gave us the chance na pumasok ng hindi pumipila. Sumabay kami kay Sir Ben Tulfo.. Bawal kasi ako sa loob.. Since, sa pila yung designation ko, dun lang kami ni Kuya Boy..
Grabe talaga.. ang ingay sa loob ng Greenhills pero feel na feel ko yung moment. Hay.. ang maamong mukha ni Tita Cory.. ang ngiting di ko kailanman malilimutan.. ang payat na katawang bakas ng mahabang paghihirap.. ang matingkad na dilaw niyang terno.. at ang gold at pink na rosary.. habangbuhay mananatiling ala-ala sakin..
Anyway, 2days lang kami doon, nung umaga ng Sunday at Monday..
Yun lang kasi yung timeslot ko.. pero on call kami anytime.. kulang kasi kami sa reporters..
PERO, Ang hindi ko malilimutan, nung ilipat si Tita Cory sa Manila Cathedral.. naku! that’s my first time na makita AnG idolo kong si Kris. Grabe.. nakakatouch siya.. umiiyak habang nangunguna sa paglabas ng kabaong.. after nun, Boy and I were advised na lumipat ng location..
may info kasing puno na ng tao ang Ayala Avenue.. kaya madali kaming tumakbo ni Kuya Boy.. at pagdating ko nga, ito ang tumambad sa amin..
Yung kuha kasi nmin ni Kuya Boy, yung ground lang.. pero kung nakita niyo yung kuha mula sa mga building.. ay! dyos ko.. mahal tlga ng mga Pilipino si Tita Cory..
Kanya-kanyang diskarte ang mga empleyado para kumuha ng pictures.. gamit ang kanilang mga cellphones. naipit pa nga ako.. bandang 12 na nung makarating sa Ninoy Aquino Monument ang TRUCK (note: TRUCK) ni Tita Cory.. umulan ng walang tigil na confetti.. omg! i cried again..
Naka-LABAN sign ang mga Pilipino.. muling nagkapit bisig at isinisigaw ang pangalan ni Tita Cory.. namutiktik ng kulay dilaw.. napuno ng emosyon ang business community.. tumigil ang mundo..
YAN ANG DEMOKRASYA.. Kinikilabutan ako while writing this article.. i dont know Cory personally bukod sa nakita ko siya nung 8years old ako sa isang event ng CCP noon..
Ipinakilala ni Cory Aquino ang tunay na demokrasya.. the real meaning of freedom.. Kitang-kita sa mga tao kung ano ang tinatawag na CORY MAGIC.. Hindi pulitika.. kundi pagkakaisa ng sambayanan sa pagluluksa sa isang bayani..
Bayaning hindi kailanman malilimutan.. We should preserve and uphold Tita Cory’s principles.. ituloy natin yung sinimulan niya.. im proud na naging bahagi ako ng isa na namang kasaysayan..
Sa ipinapakitang simpatiya ng taong bayan, SULIT KA, TITA CORY.. SULIT lahat ng mga sinakripisyo mo para sa aming lahat.. hindi man sapat ang mga iyon, maramdaman mo nawa ang pagmamahal sayo ng buong mundo..
Napatunayan ko nga ang wika mong;
“KAY SARAP PALANG MAGING PILIPINO”…
Mabuhay ka, Tita Cory!





