Ligawan season na naman..
syempre, kailangang humabol ng mga boys para may mai-date sila sa vaLentines day.. kawawa naman kasi sila kung loneliness ang drama sa darating na araw ng mga puso..
sa palagay ko, may ilang guys na ang pakay lang sa isang girl ay i-display sa mga ganitong okasyon.. wala lang.. masabi lang na may syota sya.. walang feelings totally.. matindi kasi ang ego ng mga lalaki.. ayaw nila na makantyawan na walang gF lalo na’t araw ng mga puso..
ngayon, paano nga ba malalaman kung seryoso sayo ang isang lalaki?
una, posibleng seryoso sya sa’yo kung matagal ka na nyang kakilala bago pa man sya magtapat ng pag-ibig sayo.. hindi kasi ako naniniwala sa love at first sight.. malabo yun.. magiging crush mo pero hindi mo pa love..
at yung mga magjowa na nagkakilala lang incidentally, sa text o sa internet, hindi ka nakakasigurong seseryosohin ka niya dahil hindi mo sya gaanong kilala at hindi ka rin naman niya gaanong kilala..
pangalawa, isang senyales ng malinis na pakay ng lalaki sa isang girl eh kapag ipinakilala niya ito sa kanyang mga magulang.. patunay lamang na kaya ka niyang ipaglaban at hindi ka niya ikinahihiya.. besides, good for you dahil legal na ang relasyon nyo sa mga parents nya..
pangatlo, siguradong mahal ka ng guy kung kaya ka niyang iharap sa mundo bilang jowa niya.. ibig sabihin, halimbawa, hahalikan ka niya sa harap ng mga tropa niya, or, sasabihin nyang mahal ka nya sa harap ng maraming tao..
pang-apat, mararamdaman mo yan.. sigurado akong mafi-feel ng mga girls kung seryoso sa kanila ang mga lalaki.. natural kasing malakas ang radar ng mga eba pagdating sa mga ganyang usapan.. ika nga, malakas ang kutob..
tandaan lang natin na ang love ay parang isang sugal.. hindi mo kailanman malalaman kung win or loose ka..
basta, kailangan mong subukang magmahal.. at kailangan mong magmahal habang humihinga ka sa mundong ito.. dahil bingyan ka ng puso, para umibig..
HAPPY VALENTINES!
0 Responses to “PAANO MALALAMAN KUNG SERYOSO SI GUY?”
Leave a Reply