10
Feb
09

VALENTINE SEASON, TOPIC NA NAPAPANAHON..

This is a serious topic..

walang bahid kamanyakan..

although medyo bastos ang dating, ito naman e napag-uusapan lang..

papalapit na kasi ang valentines day..

at syempre, kasabay niyan ang matagal ng pinipigil na init..

init na normal lang naman sa dalawang magjowa..

napaka-echusera naman ng mga hindi maka-relate sa sinasabi ko..

sa panahon ngayon, madalas na nagaganap ang sex tuwing may espesyal na okasyon sa dalawang nag-iibigan..

pero ang problema, lalo na sa mga first timers.. papaano ii-initiate ang sex sa iyong karelasyon?

di ba super nakakailang kung tatanungin mo sya.. for exmple, “babe, sex tayo?!”

ang panget! kawindang..

siguradong maiilang si girl..

for me kasi, ang sex ay hindi na ipinagpapaalam.. pakiramdaman na lang yan.. mafi-feel mo naman kung ok din sa kanya eh..

pero hindi pwersahan ha? rape na yun!

lalo na sa mga ganitong panahon, maraming girls dyan ang naghihintay lang ng go signal mula sa mga lalaki na pitikin sila to start the love-making..

alanga namang babae pa ang magyaya sa guy na magsex sila?! panget naman nun..

napaka-imoral.. charing!!

TIPS:

1. Kung first time ninyong mag-sesex, wag dalhin ang babae sa isang motel. Unang-una, maiilang siya. You should always remember na matindi ang conciousness ng mga babae sa paligid nila. At hindi maganda na sa first time ninyo e sa motel kaagad ang eksena.

2. Try to calm down. Dahan-dahan lang. Huwag siyang bibiglain. Siguradong papalag yan. Umpisahan mo sa mga simpleng hakbang tulad ng kiss. Simpleng halik na mauuwi sa hindi inaasahan.

3. Kailangang bigyan mo ang girl ng assurance na carry mong panagutan watever na magiging bunga ng eksenang gagawin ninyo..

4. Gawin ito sa isang lugar na komportableng gumalaw ang babae. Mas maganda kung alam niyang walang ibang tao sa lugar kung saan nyo gagawin ang chuvaness..

5. While doing the uhmm.. wag kalimutang sambitin ang salitang i love you.. tiyak na magpapaubaya ang babae lalo na’t alam niyang mahal na mahal mo siya..

6. Lastly, be ready for the consequences.. kailangan ay maging handa ka ano’t anuman ang mangyari.. Tandaan natin na ang sex ay hindi simpleng pagpaparaos ng libog.. may kaakibat itong responsibilidad na dapat pangatawanan..

sa inyong lahat, maligayang araw ng pag-ibig!

enjoy!!




0 Responses to “VALENTINE SEASON, TOPIC NA NAPAPANAHON..”


  1. No Comments

Leave a Reply




yaHoo!! Ito ang aking mundo. dito ko ibinabahagi ang salamin ng aking buhay. Kasama ng aking diwa't panulat, maligayang pagbabasa!

 

February 2009
M T W T F S S
« Jan   May »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728