20
May
09

MALI BA?

Naexperience mo na bang magmahal pero hindi mo pwedeng mahalin yung taong mahal mo? Or, should i say, hindi ka niya kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa kanya. Simply, hindi kayo pwede pero masaya ka. Pinipilit mong maging masaya sa maling paraan. As simple as that siguro.

May mga tao kasing napakadaling mahalin. Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero it definitely agrees with what i experienced. Korny noh? Pero yun yung totoo. Wala.. Masaya lang ako. I dont want to sound na parang nanunumbat pero masasabi ko sigurong ibinigay ko lahat. As in, lahat-lahat. Yung tipong wala ng matitira sayo kasi nga nasa kanya na. Yung ganon..

At first, kaya ko namang tanggapin na hindi siya magwo-work ng normal. Pero, at first nga lang pala yun. Umabot na kasi ko sa puntong tinanong ko na yung sarili ko kung tama ba yung ginagawa ko. And to tell you honestly, isang malaking HINDE! ang isinagot ng sarili ko.

Ouch!Pero bakit ganon? Tuloy pa rin ako sa pagmamahal sa kanya kahit na hindi niya naaapreciate isa man sa mga ginawa at ibinigay ko sa kanya. Hindi ko naman siya masisisi kasi nga hindi naman niya hiningi yon. Ako yung nagbigay. Pero, consuelo de bobo lang ba. Konting thank you, masaya na ko dun. Pero, wala eh.

Tanga nga lang siguro ang mga katulad ko. Wish kolang na maging fairy tale o teleserye type ang love story namin. Hallerr??! Haha.. Ni hindi nga namin mai-open yung relasyon namin sa mga tao. Tama nga bang tawaging relasyon yun? Siguro, pwedeng one-way relationship. Yun.

Haisst.. Buhay nga naman.. Kahit malayo na siya.. ayun.. siya pa rin laman ng utak ko.. Swear! Ngayon nga lang ako nagkaganito. I think, I cant live the normal way ilive before without him. Masaya kasi yung alam kong andyan lang siya.

Pero pramiszz, babalikan ko siya. At sa pagbalik ko, handa ko ng tanggapin kung ano lang yung kaya niyang ibigay..

luv u bebe q..

quatro.. u




0 Responses to “MALI BA?”


  1. No Comments

Leave a Reply




yaHoo!! Ito ang aking mundo. dito ko ibinabahagi ang salamin ng aking buhay. Kasama ng aking diwa't panulat, maligayang pagbabasa!

 

May 2009
M T W T F S S
« Feb   Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031