Posts Tagged ‘WONDERS OF THE PHILIPPINES

30
Jul

LAUNCHING OF MY LATEST SITES..

Pormal nang binuksan ng inyong abang lingkod ang dalawa sa kanyang pinaka-bagong BLOG SITES na kinapapa-looban ng mga impormasyong tiyak na nakabatay sa katotohanan, datos at realidad.

Ang WONDERS OF THE PHILIPPINES ay isang online guide para sa mga turista at sa lahat ng interesadong malasin ang ganda ng Pilipinas. Inilalathala ng BLOG na ito ang mga kilalang Tourist Spots at Destinations ng ating bansa.

Karamihan sa mga likas na yaman ng Pilipinas ay kinukubli lamang sa mga tagong isla at liblib na mga pook. Marahil, panahon na upang ibida ng mga Pilipino ang ating likas na yaman sa mga Turista.

Matindi ang kompetisyon ng mga nagsusulputang private resorts at iba pa. Subalit, higit nating mapagtatanto ang regalo ng Panginoon kung kikilalanin natin ang mga lugar na nakalaan sa ating lahat.

Ang pinoyPEP naman, o ang Philippine EKLAVARVA Portal ay ang aking pangunahing BLOG sa kasalukuyan. Pumalo nang halos isang libong hits ang traffic nito sa unang isang linggo. Mataas ang demand ng publiko sa mga balitang showbiz.

Ang pinoyPEP ay ang aming version ng PEP.PH ni Joan Maglipon. Ang kaibahan nga lang namin sa kanila, karamihan ng balita ng PEP ay bias at gawa-gawa lang. Sa mahigpit na kompetisyon, natural ang mag-imbento ng scoop.

Subalit, hindi kailanman layunin ng pinoyPEP ang gumawa ng kwento para lamang makatawag ng pansin. Nakakalat ang dalawampung (20) staffs ng pinoyPEP upang lumikom ng mga totoong balita. Pwera pa rito ang aming mga reliable sources na umaabot sa bilang na tatlumpu (30).

Sa aking pamumuno sa pinoyPEP, natutuwa akong kinakagat ng masa ang araw-araw naming paghahatid ng mga eksklusibong balita.

Maraming salamat rin sa mga artistang hindi alintana ang minsang pag-pitik namin tuwing nagkakamali sila. Hindi titigil ang pinoyPEPsa paglilingkod sa masang Pilipino na uhaw sa mga intriga at rebelasyon. Masakit man, likas na tsismoso ang mga Pilipino. They love to be updated sa Showbiz arena.

Kaya naman, hinihingi ko po ang suporta ng bawat isa. Ang itatagal ng aming blog ay nakasalalay sa mga mambabasa.

We showcase facts. We write because it is our right. We will continue to inform the public without being baseless and fabricating lies, as what most of the writers do.




yaHoo!! Ito ang aking mundo. dito ko ibinabahagi ang salamin ng aking buhay. Kasama ng aking diwa't panulat, maligayang pagbabasa!

 

August 2009
M T W T F S S
« Jul    
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31